Signing of Marketing Agreement between BJMP & Siargao & San Roque Ayog FIA, Inc.

Bilang suporta ng National Irrigation Administration sa EPAHP Program ng gobyerno, ang SDN IDU Staff ay nagsagawa ng isang pagmamapa ng mga organisadong magsasaka upang magkaroon ng listahan ng mga Irrigators Association na may kakayahang maging tagatustos at maiugnay ang mga ito bilang kasosyo sa ibat-ibang mga ahensya sa pagpapatupad ng Enhance Partnership Against Hunger and Poverty Program. Kaya naman, noong Octobre 1, 2021 naganap sa Pastoral, Dapa Surigao del Norte ang isang matagumpay na Signing of Marketing Agreement sapagitan ng SDN District Jail Center Annex Dapa at San Roque Ayog Farmer Irrigators Association, Inc. Napabilang sa dumalo ay sina Jail Inspector Vincent Jomini Q. Orcullo at JO3 Joel Joseph Mengote ng SDN District Jail Center Annex Dapa, EPHAP Regional Program Coordinator Maam Janrie G. Dudang at kanyang mga kasamahan, National Irrigation Administration IDS Chief Maam Susanita V. Gozon bilang representante ng NIA Caraga Regional Director Engr. June Nathaniel S. Plaza at ibat ibang Irrigator’s Association President ng Siargao . Patunay lamang na ang pagkakaisa bilang suporta ay tulay sa sa pagsugpo ng gutom at kahirapan tungo maginhawang pamumuhay,ng bawat mamamayan.

#TuloyAngDaloyNIAKahitMayPandemya

**For questions and/or clarifications, you may contact:

June Nathaniel S. Plaza, Acting Regional Manager
Jane B. Huqueriza, PRO

Office/Region: NIA Caraga Region
E-mail: r13@nia.gov.ph
Contact Information: (085) 815-2602