NIA-IA Congress: Pagkakaisa Tungo sa Pag-unlad at Tagumpay ng Magsasaka
Disyembre 9, 2022 - Pagkatapos ng pandemic, ito ang unang pagkakataon na muling nagtitipon ang mga Irrigators Association (IA) sa Rehiyon ng Caraga. Ang ginanap na pagtitipon ay dinaluhan ng humigit-kumulang na 450 katao mula sa NIA, iba't ibang ahensiya, at ang local na pamahalaan.
Ang NIA-IA Congress na may temang “Patuloy na Pagkakaisa ng NIA at Ibang Ahensiya Tungo sa Pag-unlad at Tagumpay ng Magsasaka” ay naglalayong palakasin at patibayin ang ugnayan ng bawat isa upang talakayin ang mga isyu at problemang nakakaapekto sa operasyon at pagpapanatili ng sistema ng patubig.
Si Atty. Eryl Royce R. Nagatalon, NIA Officer-in-Charge, ang panauhing pandangal sa nasabing pagtitipon upang magbigay ng mensahe na ang NIA ay patuloy na maglilingkod para sa magsasaka at para sa bayan.
#niaparasabayan
#TuloyAngDaloyNIA
#NIACaraga
**For questions and/or clarifications, you may contact:
June Nathaniel S. Plaza, Regional Manager A
Atty. Reggie T. Mag-usara, Attorney IV
Jane B. Huqueriza, PRO A
Office/Region: NIA Caraga Region
E-mail: r13@nia.gov.ph
Contact Information: (085) 815-2602