Problema ng magsasaka, dininig ng Ahensiya!

Masayang-masaya ang mga magsasaka na kasapi ng Caraga Region Irrigation Federation (CRIF) dahil napakinggan ng Punong Tagapangasiwa ng National Irrigation Administration (NIA) na si Administrator Benny D. Antiporda ang kanilang mga suliranin at iba pang layunin sa pagdalo sa nasabing pagpupulong.

Ayon kay Administrator Antiporda, hindi siya mangangako ngunit susubukan niyang lutasin ang mga ito. Bigyan lamang natin siya ng panahon. Nararapat lamang na tayo ay magtulung-tulong upang maisakatuparan ang mga ito.

Dagdag pa ni Administrator, siya mismo ang pupunta upang personal na makatulong sa ating mga magsasaka. Higit na kilala bilang Action Man ng NIA, ang lahat ng ito ay iilan lamang sa mga patunay ng kanyang mahusay at tapat na paglilingkod para sa ating mga bayaning magsasaka at para sa bayan.

#niaparasabayan
#TuloyAngDaloyNIA
#NIACaraga

**For questions and/or clarifications, you may contact:

June Nathaniel S. Plaza, Regional Manager A
Atty. Reggie T. Mag-usara, Attorney IV
Jane B. Huqueriza, PRO A

Office/Region: NIA Caraga Region
E-mail: r13@nia.gov.ph
Contact Information: (085) 815-2602