PROVINCIAL SUB-FEDERATION GENERAL ASSEMBLY MEETING DINAGAT ISLANDS

Dinaluhan ni Regional Manager Engr. June Nathaniel S. Plaza kasama si Division Manager Engr. Dexter A. Sablaon ng ASDI-IMO at Sdn and Dinagat Islands Satellite Head Engr. Susan D. Lariba ang pagtitipon ng mga magsasaka sa kanilang Provincial Sub-Federation General Assembly Meeting noong Byernes, Oktubre 21, 2022. Pinakinggan at tinugonan ang mga hinanaing ng bawat Irrigators Association.

Ang pag aksyon na ito ay isa sa mga inisyatibo ng ahensya upang marinig at mabigyan ng agarang solusyon ang mga problema sa patubig.

Isa-isang inilahad ng mga magsasaka ang kanilang mga hinanaing at matagal ng problema sa patubig sa kanilang lugar. At talagang sila ay nagpapasalamat ng malaki dahil ngayon lamang sila nabigyan ng ganitong pagkakataon na mapakinggan ang kanilang boses at ito ay personal na dinaluhan ng isang Regional Manager ng ahensya.

#niaparasabayan
#TuloyAngDaloyNIA
#NIACaraga

**For questions and/or clarifications, you may contact:

June Nathaniel S. Plaza, Regional Manager A
Atty. Reggie T. Mag-usara, Attorney IV
Jane B. Huqueriza, PRO A

Office/Region: NIA Caraga Region
E-mail: r13@nia.gov.ph
Contact Information: (085) 815-2602