AGARANG-TUGON PARA SA MAGSASAKA!

Kaagad na tumugon si Regional Manager June Nathaniel S. Plaza sa mga hinanaing ng mga magsasaka sa ginanap na General Assembly sa Siargao Islands, 1st District, Province of Surigao del Norte ngayong Sabado, Oktubre 22, 2022.

Ang pagdalo ng mga kawani ng NIA Caraga sa ginanap na pagtitipon ay isa sa mga inisyatibo ng Ahensiya upang marinig at mabigyan ng solusyon ang mga problema sa patubig.

Nagpapasalamat din ang mga dumalong magsasaka na ngayon lamang sila nabigyan ng pagkakataon at personal na dinaluhan ang pagpupulong ng isang Regional Manager upang marinig ang kanilang pangangailangan.

Wika nga ng isang magsasaka, “First time in history na mabigyang-pansin ang Siargao at mismong Director ang nakikipagpulong sa amin.”

#niaparasabayan
#TuloyAngDaloyNIA
#NIACaraga

**For questions and/or clarifications, you may contact:

June Nathaniel S. Plaza, Regional Manager A
Atty. Reggie T. Mag-usara, Attorney IV
Jane B. Huqueriza, PRO A

Office/Region: NIA Caraga Region
E-mail: r13@nia.gov.ph
Contact Information: (085) 815-2602