Isang taong kasunduan o higit pa!
“Ang magsasaka ay isa sa mga magsusuplay ng produktong pagkain at direkta itong bibilhin ng isang ahensya o institusyon”.
Bilang pagtugon at pagtulong ng National Irrigation Administration (NIA) sa programang Enhance Partnership Against Hunger and Poverty (EPAHP), ang probinsya ng Surigao Del Norte (SDN) ay nakapagsagawa ng Signing of Marketing Agreement sa dalawang pagkakataon sa pagitan ng Irrigators’ Association (IA’s) at ibang ahensya ng gobyerno nong ika 26 ng Oktubre taong 2021.
Sa pasisikap at inisyatibo ng NIA- Surigao del Norte at Dinagat Islands Satellite Office-ASDI-IMO (NIA ASDI IMO) sa pangunguna ni Engr. Susan D. Lariba sa ilalim ng pamumuno ni Acting Regional Manager June Nathaniel S. Plaza, naidaos ng matagumpay ang Signing of Marketing Agreement sa pagitan ng SDN BJMP, Surigao City BJMP at Surigao, Siargao and Dinagat Islands Irrigators Federation (SUSIARDIF) na may bilang na dalawampu’t limang (25) IA President sa pamumuno ni Lucio P. Birad. Sa ilalim ng programang EPAHP, ang Marketing Agreement ay isang kasunduan sa pagitan ng mga IA’s at mga ahensya o institusyon na namimili ng produktong galing sa magsasaka. Ito ay kasiguruhan na ang produkto ng magsasaka ay direktang maibenta.
Sa pagpapakita ng suporta at pagsang-ayon, dumalo sina OIC SDN District Jail Warden JCINSP Raul C. Badillo, Surigao City Warden - JCINSP Roberto Coja Gotico, BJMP Regional Office JCINSP Margie Canangca-an at si DSWD OIC Regional Director Ramel F. Jamen.
#TuloyAngDaloyNIA
#NIACaraga

**For questions and/or clarifications, you may contact:
June Nathaniel S. Plaza, Acting Regional Manager
Jane B. Huqueriza, PRO
Office/Region: NIA Caraga Region
E-mail: r13@nia.gov.ph
Contact Information: (085) 815-2602